
Im so happy ... finally got this chance of updating this blogspot. What on earth have I been doing?? Hmmmm ... sobrang busy ko pala ... ang daming nangyari ... ang daming nagawa... buti na lang may na-accomplish din kahit papaano. Pero NALOKO KAMI!!! NG AHENTE!!! AT MALAKI!!! AS IN!!! Kung average employee ka, mga 5 years mo nang pagtratrabahuhan isama mo pa pati lahat ng bonus mo. Boohuhuhu! =(
Trinato ko shang parang isang second mom ... kasi she's in her fifties na. As in spoiled na spoiled sha sa akin ... sa amin. Pag lumalabas kami, puntang factories or scout for buyers, all expenses paid sha. Parang mommy, na para bang gusto mo shang i-treat sa kung saan masarap at alam mong masisiyahan sha. Madami nang nagsabi sa amin na WALANGHIYA shang tao, na MANDURUGAS sha, na WALA SHANG KUNSENSHA ... pero hindi kami nakinig. Katwiran
namin mabubuti naman kaming tao, mabait naman sha sa amin, siguro naman hindi nya kami lolokohin. Talagang buhos ang support, TRUST, and after several months LOVE ... yes, minahal na namin sha. She spoke about the LORD in all the times we got together. So overly naging love namin sha, na parang mommy. There were even times na pupunta sha sa amin, may tatalbog shang cheke, walang ka-abog abog, maglalabas kami ng pera pam-pondo dun sa puputok nyang cheke ... and take note, tao pa namin ang pupunta sa bangko para magdeposito. May mga instances pa, and madaming instances ito na pupunta sha sa amin para magpa-rediscount ng cheke, shempre dahil nga MAHAL na namin sha, ire-rediscount namin ang mga cheke. Ganyan ang pagsupporta namin sa kanya.Mayroon ding pagkakataon na paghakot namin ng stocks, KUKUHA sha ng stocks para ilagay sa mga pwesto nya ... ng walang resibo, walang kasulatan or whatsoever ... kasi nga sobra ang pagtitiwala at pagmamahal namin sa kanya. At bilang pinagkakatiwalaan naming ahente, nagfi-finance din kami para sa kanya. Ibig sabihin, pag may isa shang customer na may order, kami ang maglalabas ng stocks from the factories para mai-serve ang order at para kumita rin kami ng konti. Pero sa napakaraming instances, nagpapa-pullout sha ng stocks na wala naman pala talagang buyer, palibahasa kada pull-out namin ng stocks may commission agad sha sa amin. Ang ending kami rin ang nagdi-dispose ng stocks na sinabi nyang may mga buyers na. Tulog ang pera namin.
Si husband ko, na-tunugan na na malabong kausap itong nanay nanayan namin. Kasi nga parang hindi totoo lahat ang sinasabi, ako naman ini-isip ko, mahirap din kasing kausap si husband ko kaya siguro hindi sila magkasundo. So tuloy-tuloy pa din ang mga transactions. Kasabay nito, nag-pwesto ako ulit sa tiangge, dun sa Bluewave kung saan may pwesto rin sha ... na-convince kasi nya ako para daw may ka-chikahan sha pag gabi.
Lumabas ang isang side nya magmula nung makasama nya ang isang dati nyang kasamahan sa
pagaahente, DIABLO ang tawag sa kanya ng ibang tao dito sa loob ng stock lots industry. Itong taong to ang isa sa mga rason kung bakit na-down yung nanay nanayan ko, to the extent na nagpapunta pa sha ng mga GOONS FOR HIRE dun sa bahay nun. So nagsama na naman sila. Eh si nanay nanayan parang HUNYANGO, ina-adapt nya ang pagkatao ng mga kasama nya, ika nga ng mga ibang nakaka-pansin ... noong ako daw ang parating kasama, akala nila talagang matinong matino na at NAGBAGO NA ... eh ang kaso napasama na naman sa isang DIABLO, kaya back to her old self ang nanay nanayan ko.Anyways, isang araw mga 11am while I was feeding my Spirit, tumawag si nanay nanayan, TULUNGAN daw namin yung isang ahente kasi sha ang may kasalanan, inalok nya yung samples dun sa isang namamakyaw ... ang ginawa nung namamakyaw, pina-track kung saan galing yung mga samples at ng mga oras na yun papunta na dun sa factory, in short susulutin ang stocks. Eh nai-sampling na sa akin yun ... mga jackets ng victorias secret, ocean pacific, mossimo, banana rep, at may isa pang brand ... magaganda naman, at MAY SURE BUYERS NA. Kaya naman nung pinakiusapan ako HABANG NAGDADASAL ako eh um-oo na din ako. Para nga akong na hypnotize nung mga panahon na yun, in less than an hour ... nasundo ko si lexi, nakapagwithdraw na ng malaking amount sa bangko, at nakarating na sa meeting place namin nung ahenteng magpu-pullout ng stocks dun sa factory.
So ibinigay ko na ang perang pampull-out sa 7,0o0 pieces ng mga highend na jackets ... malaki, as in! First time kong ginawa na magpadala lang ng pera ... ng hindi kaliwaan. Nung gabi, mga 9pm, nasa cheesecake etc ako, natutulala ako, nanghihina ... bakit ko ginawa at paano ko ginawa yun???To be continued...
2 comments:
Whoa! Siyet na malagkit na nagkadikit dikit.. Tuloy mo ang kwento mare. Hope you're okay. : /
yeah things are better now ... tnx =D
Post a Comment